Gensanportal - Mindanao News Blog

You are here: Home News Blog General Santos News Blog Marcos Noon, Gloria Ngayon! - BAYAN

Marcos Noon, Gloria Ngayon! - BAYAN

E-mail Print PDF

General Santos City - Never Again to Martial Law! Ito ngayon ang panawagan ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN-SOCSKSARGEN) matapos dineklara ng Malakanyang ang Martial Law at sinuspende  ang Writ Of Habeas Corpus sa Maguindanao sa pamamagitan ng Proclamation 1959.



“Hindi nakatuon sa pangunahing salarin sa Maguindanao Massacre ang pagdeklara ng Martial Law. Hindi mareresolba ng batas militar ang matinding karahasan sa Maguindanao bagkus magpapatindi ito sa karahasan sa nasabing probinsya at sa kalaonan sa buong bansa  kagaya sa panahon ng diktaduryang Marcos “ sabi ni Ryan Lariba secretary general sa BAYAN-SOCSKSARGEN.

“ Magbubunga ng mas matinding pang-aabuso sa mamamayan sa lugar ang deklarasyon ng Martial Law lalo’t ang nagpapatupad nito ay ang AFP at PNP at ang rehimen na bantog sa paglabag sa karapatang pantao at pagyurak sa kalayaang sibil ng mamamayan.  Dapat singilin si GMA sa nangyaring Masaker. Malinaw sa mga nakuhang mga armas na ang AFP at PNP ay may kaugnayan sa pagsusuplay ng mga armas sa mga warlords sa Maguindanao. ” ayon kay Lariba

Labanan ang Martial Law. Ginagamit lamang ito ng rehimeng US-Arroyo upang isulong ang pampolitikang interes nito.

“Gusto ni GMA ipakita sa galit na galit na mamamayan na may ginagawa ito sa pagkamit ng hustisya sa mga biktima ng masaker. Sa pamamagitan rin ng batas militar sa lugar, maitago nito sa mamamayan ang mga basehan na magdidiin sa mga salarin dahil nalilimitahan ang pagkokober ng media sa mga pangyayari lalo’t ang tinutukoy na pangunahing salarin ay alyado sa politika ni GMA. Pwede ring magtuloy-tuloy ang pagdeklara ng batas militar sa buong bansa upang makapanatili sa pwesto si GMA at maiwasan ang kaliwa’t kanang kaso dahil sa kasalanan nito sa mamamayan” dagdag ni Lariba

Nananawagan ang BAYAN na kumilos ang mamamayan upang labanan ang mapanupil na hakbanging ito ng rehimeng US-Arroyo upang makapanatili sa poder at patuloy na maghahari. Kailangang tanganan ngayon  ng mamamayan ang makasayasayan at militanteng paglaban nito sa panahon na nasa ilalim ang buong bansa sa batas militar at pagpapatalsik sa diktaduryang Marcos.

 


Comments (1)Add Comment
0
black belts
written by gucci belt, December 21, 2010
I really enjoyed this article. I am always trying to foster good relationships with black belts people who can help my cause. This really breaks it down to a step by step process which is good

Write comment

busy
Last Updated ( Sunday, 06 December 2009 19:18 )  

Syndication