General Santos City – Gobyernong Arroyo, Singilin, Pagbayarin! Ito ngayon ang panawagan ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN-SOCSKSARGEN) kasabay ng pagbisita ni Gloria Macapagal Arroyo sa mga biktimang mga mamamahayag ng Maguindanao Massacre sa General Santos City.
“Si GMA ang pangunahing salarin sa masaker dahil siya mismo ang nagkakanlong sa matinding karahasan sa bansa nagpapalala sa bulok na sistemang panlipunang Pilipino” ayon kay Ryan Lariba, secretary general ng BAYAN-SOCSKSARGEN.
Sa syam na taon ng rehimeng US-Arroyo lalong inihambalos sa mamamayan ang pasistang pamamahala sa bansa. Ayon sa naitala ng KARAPATAN dahil sa huling brutal na pagpatay sa Maguindanao umaabot na sa 312 biktima ng pagmasaker sa pamumuno ni GMA.
“Gamit ang AFP at PNP pinatupad ang Oplan Bantay Laya- counter insurgency program ng gobyernong Arroyo, kaya si GMA ang pinakamalaking warlord sa bansa. Direktang nanggaling sa gobyernong Arroyo ang armas at pondo ng mga paramilitar sa Maguindanao tulad ng civilian volunteers organization o CVO’s sa bisa ng Executive Order 546 ng Malakanyang noong 2006. Nasa balangkas ng OBL ang paghasik ng karahasan at panunupil sa mamamayan upang lalong palakasin ang pampolitikang kapangyarihan ni GMA sa bansa” dagdag ni Lariba.
Kaugnay nito, nananawagan ang BAYAN na kailangang tuloy-tuloy na kumilos ang mamamayan upang wakasan ang karahasan at paghahari ng pasista at anti-mamamayang rehimeng US-Arroyo lalo’t tatakbo na naman si GMA bilang kongresista sa darating na 2010 elections.
- Free Sitti Concert @ KCC Mall of GenSan
- Guv cites performance in provincial address
- Habal drayber gitigbas, patay
- Pedicab drayber naghikog
- Chowking Highway GenSan opens, adapts new concept!
- Ampatuan Sr. forcibly taken from Davao hospital
- Government troops down in Maguindanao town
- Tuna Festival 2009 Schedule of Activities
- Mayor Darlene leads Coast Guard activity
- Pacquiao, Dominguez lead ground-breaking for Sarangani Medical Center
- RMMC starts 50th bday celebration with Spongecola Concert!
- Little Dubai’s Tuna Indulgence more!
- UN Resident Coordinator meets MILF top brass
- “May Nag-Text, May Winners na ang Vice Ganda LIVE @ GenSan Concert ONLINE CONTEST”
- Arroyo asked to shelve aerial spray

written by gucci belt, December 21, 2010
written by mackjeffrey, March 15, 2011



